Pa'no Kung Si Noah Ay Isang Pinoy???

Oo nga no? Ano kaya nangyari sa Pilipinas? Paano yung barko?

Ganito ang mangyayari sa barko...

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking barko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't ibang kapuluan." Ibinigay kay Noah ang specs ng barko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang barko na ipinagawa ko sa iyo?" Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng barko. Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng barko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi matarungang pagpili ng mga taong sasakay sa barko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay.


Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng barko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation". Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo.

Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng barko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng barko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah. Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."

Comments